Friday, 09 June 2006

  • HIGHSCHOOL - Isang Dekada ng Pagkakaibigan

    Lahat ng tao ay may kaibigan, malamang lahat tayo ay marami nian, pero ilan lang sa mga kaibigang ito ang maituturing tapat at totoo sayo? Minsan kahit gaano pa sila karami, mangilan-ilan lang ang matitra sa panahon ng kapighatian.

    Kaya naman masasabi kong maswerte ako, kahit na sa lovelife eh mejo palpak ako, napagtanto ko na sa mga kaibigan ay wala akong kalugihan. Sa mga nagdaang panahon, pareparehong mukha lang ang nakakasalamuha ko, malungkot man o masaya, pareparehong mukha lang ang karamay ko.

    Sabi nga sa kantang nakalakihan namin... "nagsimula ang lahat sa skwela, nagsamasamang labing dalawa, sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isa't isa" ... 10 taon na ang nakalipas simula ng magkakilakilala kami, 1st yr highschool kami noon, isang malaking grupo na walang ibang ginawa kundi magkulitan at mag asaran.

    Madalas pagalitan ng teacher kasi madadaldal... pero kahit na ganun... matatalino naman! =) Naaalala nio ba nung nagtakbuhan tayo from the tennis court pabalik ng classroom, tapos si Mrs. Loba galit na galit dahil ginagawa daw natin siyang “panakot”.

    Masarap balikan yung alaala ng highschool, tanda ko pa nun madalas nag-aaway si marjune at mark, minsan nadaganan nio pa si jefferson at tuloy naging black listed, at yung away naming ni Angela dahil lang sa calculator. At sino naman ang makakalimot sa pagtambay natin sa bahay namin... bata palang tayo gin na ang iniinom, with Sprite and Judge chewing gum.

    Eto pa, xempre di pwedeng mawala ang mga ligawan at mga crush, hmmm... mark-isabel- marjune? louie-isabel-iking, hehehe... isabel-michael-aiza? =) yhem-oliver- kaye? hehehe... mga love triangle... hahaha! Ako and si Jeff… (ayan na inamin ko na, na crush mo ko)

    hahahaha! Eh yung mga lovers... hmmm...  dati) aiza and mike (labz #06), alaine and khaye, angela and oliver, louie and isabel, isabel and iking, a.r. and mhing at nadz at ako

    (the best na love team yan) hehehehe! grabe... bata pa tayo eh malalandi na ang tropa! hahahaha!

    Madalas din mag-outing ang tropa, halos taon taon, Volets at Starluck… hehehe… ano na kya nangyari sa mga resort na yun?  Siyempre, di rin ako present nun, minsan takas pa kasi strict pa ang parents ko nun eh, dati nga di ako pinayagan dahil sa SARS diba? Hahahah! =) Oh Louie, natatandaan mo ba nung inaway ka ni papa sa bahay and nung JS prom.

    And speaking of JS prom, memorable din yun diba. Mga “first and last dance” , pagtulog kina Mhing at Mike.

    Maliban sa mga yan eh di ko makakalimutan yung mga dramahan lalo na ang mga classic na palusot ni  Michael na “i want to enjoy my highschhol life".

    Ang madalas na awayan naming nila Aiza and Isabel, pati narin ni Angela. Di rin talaga mawawala ang tampuhan sa magkakaibigan.

     

    Pero ang gusto ko sa lahat eh yung pagnagdadamayan na sa problema, panalo yun! Si Lau, palaging matatakbuhan yan kapag masama ang loob mo. Dati madalas pa tayo kina Kaye at doon nag-oopen forum, habang ang iba eh ngtatambling at sumasayaw… naaalala nio pa ba yun DANCE GROUP nila Mike, AR, Oliver, pati yata si Iking at Louie e dinamay pa jan… hahahah! Active din ang tropa sa school activities eh.

     

    Kung meron pambato sa sayaw siyempre di kami pahuhuli ni Nad’z sa kantahan. Pero talagang mahilig tayo sa kantahan eh, minsan mesa lang ang instrumento, kayang kaya ni Louie siyempre ang clarinet na hawak ni  yun, Mike, wag kalimutan. Ayos din sa jamming ang tropa noh!

     

    Napakadami pang bagay akong nais sabihin, mga alaala na sadjang nakakapagpangiti sa’kin lalu na sa panahong masama ang loob ko. Maisip ko lang yung panahong magkakasama tayo na masaya, kahit tumatawid tayo sa gitna ng rumaragasang baha, tawa pa rin ng tawa. Lahat tayo pagmagkakasama, kahit sa edad natin ngayon para pring mga bata, nagwawala basta nanjan tropa, lasing man o hindi. Masaya tayo kasi wala tayong pakialam kung ano sabihin ng iba, basta ang halakhak natin abot hangang kay San Pedro. Masarap maging bata, lalo na kung mejo tumatanda ka na.

     

    “Lumipas na ang ilang taon, magkaibigan parin ngayon”, 10 taon na, ang ilan sa’min nasa Tate, ung iba nawala na lang ng sadya, pero marami parin ang natira. Marami nang nagbago, karamihan abala na sa trabaho… si Isabel, puro trabaho naku minsan magparamdam ka naman, Louie- trabaho at babae,magparamdam ka rin minsan, si Mark abala sa factory niya ng bag, si Mike… hmm… factory ng babae? Ginoong Laspinas ito! Hahaha… good boy nrin yan noh (sana!). Kamusta naman ang nurse ng tropa, si Oliver? Gwapo parin! Si Yhem din pala nurse na, e si Khaye, balita ko mag-aasawa na. Si Marjune at Nad’z at Jeff… talagang nag-asawa na… tatay na tatay na! Si Iking naman, hmmm… siya na yata may-ari ng Hurricane e. Si Pardz, Lau at akohehehe… nagpapayaman!

    Ngayon ko lang naisip na napakalaki ng pamilya natin, kulang pa nga yan kung tutuusin, marami ang nawala na lang, kaya sana minsan magpakita naman kayo. Pero kahit nasan man ang bawat isa sa atin, patuloy parin ang pagkakaibigan. Sa sampung taong pinagsamahan natin, hindi biro ang kalimutan kayo. Kalahati ng buhay ko kayo ang kasama ko. Sana sa susunod pang taon ng buhay natin, magkaibigan parin tayo.

     

    10 taon at higit pa… yan ang dalangin ko.

    Dale =)

















  • Choose Identity

  • Give eProps (?)

  • New! You can now edit your comments for 15 minutes after submitting.

Who recommended?